Biyernes, Oktubre 5, 2012

Elipsis
















Kagaya nga ng sabi ng aming Professor, hindi kami hahainan ng adobo, ang ihahain sa amin ay ang mga sangkap, na sa saamin na yun kung paano namin pasasarapin at lalagyan ng lasa ang sarili naming lutong ulam.
Noong una naguluhan ako, akala ko si Bimbo ang kabit sa kanilang tatlo. 
Kagaya ng natural nating buhay ang babae naghahanap ng ibang lalaki kasi hindi sila masaya dito. Pero iba ang kwentong ito, sa Elipsis babae ang syang kabit, 2nd or option. Natuwa ako sa concept nya na sa kabila ng panahon natin ngayon may mga lalaki pa ding mas mahal ang parehong kasarian ng tao.
Ang tao kahit alam nyang mali na, itutuloy pa din nya. Bakit? Kasi dun sya masaya. May mga bagay na sa paningin natin ay mali ngunit para sa kanila ay tama. Para sa kanila okay lang.
Tinuturuan tayo ng maikling play na toh na “KAHIT SINO PWEDENG MAGMAHAL O MAHALIN, TAMA MAN O MALI” walang pinipili yan. Lalaki, Babae, Bakla o Tomboy tao lang silang lahat. May isip, may puso at may damdamin. Natural lang ang umibig.
Ang Pag-Ibig para sakin ay sobrang tuso, minsan aakalain mong tama pero yun pala mali. Minsan akala mo totoo pero yun pala ay kunwari lang. Ang Pag-Ibig para sakin ang pinakamalakas na bagay sa buong mundo. Hindi man Literal na malakas pero malalaman at mararamdaman mo ito. Bakit? Kasi kaya ka nyang pasayahin, palungkutin, galitin, paiyakin, takutin, bulagin lahat na ng gusto mong maramdaman nandyan na. Whole Package na, May Bonus pa. 
Huwag dapat tayo matakot na magmahal, Kagaya nila Suzy, Rafael at Bimbo, kahit anong sakit, hirap, lungkot at saya dapat handa kang lumaban at labanan lahat ng ito. At kahit anong komplikado ng isang bagay basta alam mo kung ano ang ipinaglalaban ang sa alam mong tama, Go ka lang. At kung akala mong wala ng natitira para sayo, maghintay ka lang siguradong nandyan ang Panginoon para sayo. Matuto din tayong tanggapin lahat ng mga consequences na mararanasan natin sa ating desisyon. Huwag ka mag-alala LAHAT TAYO AY MAGIGING MASAYA.

Mahalin ang Panginoon.

 
Mahalin ang pamilya.


Mahalin ang kapwa.



Mahalin ang sarili.

             

At Mahalin ang buhay. ;)))

Spread the L-O-V-E !
! ♥  :”>


Love of Siam











                              



At first, I was expecting to see death, broken heart, extreme suffering or whatever to make me cry. There wasn’t any. Or at least, there wasn’t any “loud” kind of suffering in the movie. I love the twist of this story. The characters were very good and suited with the role they were playing. It is one of the great movie I’ve ever seen. it’s all about 2 buddy who have been best friend during their childhood and became separated because one of them need to moved out of that place.

The next time they’ve seen each other was when they’re already teenagers. They fall with each other despite of their situations.


Its an outstanding film that can really boost your emotion, “Tong” and “Mew” the lead characters of this movie have same sex, many disagrees with what they have.

The end of the story is a tragedy which they lived separately to avoid Tong’s mother to be upset. ”You know, I cant stay with u as your boyfriend, but it doesn’t mean I don’t love you” - that was the best dialogue I’ve ever heard, its d last phrase tong had said to mew… It really made me cry.

—-
We are reminded to let go and don’t be afraid to love.

                                                                                                      







                                                 

But also we should instill in our minds that when we love we should always have the serenity to let go.

——

Pleasant Ville



                                        

Ang totoo nung una hindi ko magets kung ano ba talaga ang concept ng movie kasi masyado akong naguguluhan sa kanila. Pero naging interesado ako ng makita ko si Tobey Maguire.







                       



 




pati si Paul Walker.
 
HAHAHAHAHA!!! JOKE LANG.
Ang totoo talaga naging interesado ako ng magsimula silang pumasok sa t.v, naging palaisipan kasi sakin kung papano sila makakapag adopt sa paligid nila ng hindi napapansin na ibang tao sila.
Ang pleasant ville ay isang black and white tv show na kung saan ang lahat ay perpketo. Kung saan ang sex ay hindi uso. ;p Masayang buhay, Libro na walang salita, bathroom na walang inidoro, mag-asawa na kung saan natutulog sa magkahiwalay na kama, high school basketball team na laging nananalo at higit sa lahat walang kahit isa sa kanila ang gustong magtanong kung ano ba ang “Masaya at Magandang Buhay”.
Pero nagbago ang lahat ng ito ng mapadpad sina David at Jennifer sa PleasantVille. Ipinakilala ni Jennifer (Mary Sue) ang sex kay Skip. At dahil inosente nga ang mga tao sa bagay na yun, ikinuwento nya lahat ng nangyari sa kanilang dalwa. Simula nun lahat ng tao ay nagbago maging ang kanilang paligid. Nagkaroon ng emosyon ang mga tao at nagkaroon ang kulay ang kanilang paligid. Subalit hindi lahat ng tao sa kanila ay tinuturing itong magandang pagbabago. Sa pangunguna ni MMayor Big Bob nagpasa sya ng batas na “colored ban” na kung saan lahat ng bagay na may kulay maging tao man ay ihihiwalay sa mga taong nananatiling balack and white. Bilang protesta ni David (Bud) at Mr. Johnson na may ari ng isang soda fountain kung saan nagtatrabaho si Bud, nag paint sila ng isang makulay na mural sa isang pader na nagrerepresent ng mga bagay na may kaugnayan sa mundo nila. Hindi ito nagustuhan ng ilang tao at maging si Mayor kaya ipinadampot sila at nilitis sa harap ng madaming tao. Habang nililitis sila at ipinagtanggol ni Bud at Mr. Johnson ang kanilang sarili hindi namamalayan ni Mayor Big Bob na maging sya mismo ay nagbabago na, nagkakaroon ng emosyon at nagkakakulay na syang nagpalaya sa kanila. Sa huli nagpaiwan si Jennifer para tapusin ang pag-aaral nya at si David naman gamit ang Remote controll ay bumalik sa tunay nyang buhay at oras.
Bilang reaksyon sa pelikula, natuwa ako sa sinabi ni Bud na “There is no PERFECT LIFE’. Tama, walang kahit anong bagay ang perpekto sa mundong ito, Ako, Sila, Siya, Tayo. Kahit anong tama ang gawin mo may part pa din na masasabi mong hindi pa rin pala perpekto ang lahat. 
                        

Kaya dapat lahat tayo ay marunong magpakumbaba. Matuto tayong humingi ng tawad. Kasi simple lang,  TAO LANG TAYO AT NAGKAKAMALI RIN.. Huwag tayo daat matakot sa mga pagkakamali natin kasi dyan tayo natututo at matututo.

Isa pa, PAGBABAGO. Kagaya ng mga tauhan sa pelikula walang kahit isa sa kanila ang guston magkaroon ng pagbabago sa buhay nila kaya mas pinipili nilang manahimik na lang at ika nga ng iba “JUST GO WITH THE FLOW’ na lang. Pero hindi ba maganda kung lahat tayo magbabago? Mali yung ikulong mo ang sarili mo sa nakasanayan mong mundo. Dapat matuto kang i-accept lahat ng challenges na nararanasan mo kung sakali mang magkamali ka mababago mo ito. Huwag mong hayaang malimitahan ka ng ibang tao.

“CHANGE is NATURE, the FACT that YOU CAN INFLUENCE. And it STARTS when WE DECIDE”.   

 
At ang huli ay ang KALAYAAN. Nakita ko din ito sa movie, dahil nga msyado silang nalilimitahan wala silang kalayaan na ipahayag ang tunay nilang nararamdaman tulad sa panahon natin ngayon hindi natin maipahayag sa iba kung kung ano nga ba ang tunay natin saloobin kasi natatakot tayo sa sasabihin ng ibang tao.
                       

Wala din tayong kalayaan na gawin kung ano man ang gusto nating gawin.
                              
“FREEDOM BEGINS with an ACT of DEFIANCE”.

Matuto tayong maging totoo sa ating sarili at maging sa ibang tao ito ang totoong makakapagpalaya, makakapagpabago at makakapagpasaya at masasabi mong tama na ang lahat. ;)))
                      
Smile. ;)

UnFree Performance Art 2012






Ang napili kong Performance Art ay yung group na kung saan ay binibihisan yung dalawang babae ng iba’t ibang damit ng iba’t ibang tao.
Dahil ayon sa pagkakaintindi ko. Nawawalan ka ng kalayaan na ipahayag yung totoo mong nararamdaman at iniisip kasi masyado tayong nagfofocus sa sinasabi ng ibang tao satin.
     
Kumbaga, sila yung nagbibihis sa katauhan mo para baguhin kung ano man ang sa tingin nila ay maganda para sayo.At dahil masyado tayong nagpapaapekto sa sinasabi nila nakukulong tayo sa pananaw ng ibang tao imbis sa sarili nating nais. Kagaya ng henerasyon natin ngayon marami na sa atin ang masyadong judgmental.Sinasabi natin sa iba na ito maganda sayo, eto pangit sayo, hindi man lang natin tinanong kung gusto ba nila yung mga sinasabi natin. At dahil dun aasa at aasa na lang sya sa ibang tao para sa sarili nya. Mahihirapan syang maging depende sa sarili nya at tumayo sa sarili nyang mga paa. :))

UnFree Installation Art 2012






Ito ang napili kong nabest na installation art kasi madali kong nakuha yung concept nya na  LAHAT  as in LAHAT TAYO  ay mamamatay at mamamatay. Walang kahit sino man satin ang makakaligtas sa kamatayan kasi lahat tayo dadaan at dadaan sa stage na yan. yung isisilang ka, mabubuhay, magkakaisip, magkakaroon ng damdamin, makakakilala ng mga taong ituturing mong mahalaga sayo, matututo sa lahat ng bagay, magtatrabaho, tatanda, magkakasakit at mamamatay. 
Masyado tayong natatakot sa kamatayan, yung ideya na mapupunta tayo either sa langit o impyerno. Hindi naman sa hindi ako naniniwala sa kanila ang akin lang wag mong hayaang i-restrict ka ng konsepto na toh at mawalan ng kalayaan na gawin yung gusto mo. Mali yung sinasabi nila na “bakit ka pa magpapakahirap sa isang bagay eh mamamatay lang din naman tayo.” 
Dapat nga mas pag-igihan at paghusayan mo pa lahat ng bagay kasi bahagi yan ng buhay natin. Magpasalamat tayo sa May Likha at ipinaramdam nya satin na lahat tayo ay may kalayaang maranasan lahat ng bagay at maibahagi sa iba ang lahat ng ito. ;’))

Am I Really Free



ang tanong na paulit ulit kong tinanong sa sarili ko. MALAYA NGA BA AKO? PAANO AKO NAGING MALAYA? 

hahaha!!! dito nyo malalaman lahat ng mga nararamdaman ko na matagal ko ng tinatago..
maaring alam na toh ng mga malalapit kong kaibigan..
pero malalaman pa ng iba para sa hindi pa masyadong nakakakila skin dahil sa blog na toh :))
uhm.. I’m Physically FREE but Emotionally LOCKED UP..
sabi nga nila…
” a locked and closed heart is most often found to be so very empty.”
            


masyado kasi akong tahimik na tao..


nasasabi ko lang ang mga nararamdaman at saloobin ko sa mga taong alam kong mapagkakatiwalaan ko.

madali akong magtiwala sa isang tao.. 

pero once nasira yung tiwala ko mahirap na para sakin na ibalik yun..

hindi rin ako mahilig mag share ng mga iniisip ko.. as in talagang sinasarili ko sya..

takot din kasi akong mareject kaya mas pinipili ko ang manahimik na lang..
                      
lahat naman tayo ayaw ng rejections eh..

pero ako masyado kong dinaramdam lahat ng mga sinasabi ng tao tungkol sakin, sa pamilya at maging sa mga kaibigan ko.

uhh.. IYAKIN AKO at nanununtok ako kapag hindi ko na kaya yung mga nararamdaman ko na may kasamang luha syempre..

pero don’t worry hindi naman tao sinusuntok ko yung dingding lang :))
sabi nga ng PAPA ko..
“anak ayos lang na maging tahimik ka pero sana huwag mo masyadong sarilihin lahat kasi magkakasakit ka sa puso nyan”

natawa ako nung narinig ko yan sa kanya pero naisip ko tama nga sya hindi dapat sinasarili ang problema..

kaya nga nandyan ang ating mga MAGULANG, KAIBIGAN at maging si LORD GOD eh.. 

hindi ako, tayo nag-iisa.

kaya nandyan din ang mga pusa, candies, cakes, chocolates, music at …… :X para maging masaya tayo!!

tatawanan ko lang ang problema, ngingitian ang mga sinasabi nila.
                  

marami rin kasi akong mga mga bagay na gusto kong sabihin pero mas pinipili kong huwag na lang sabihin..

 akala ng iba na isa akong malayang tao.. nomads ganun pero ang totoo nagsasaya ako para matakpan at maitago ang lahat ng nararamdaman ko.. :’>

kaya ipinauubaya ko na lahat ng ito sa Panginoon :))

alam kong marami syang gusto gawin para maging matatag ako at marami syang paraan at plano para sakin, sayo at sating lahat..

at kagaya rin ng kanta ni Jason Mraz.

i won’t give up :)

its a test to be passed on..

everybody talks. everybody talks. haha!!

“a relationship with GOD is the most important relationship you can have. embrace it everyday”  Ü

hahaha!!! masysado ko ng dinadamdam tong topic na toh ah..

haha!! yun lang po at maraming salamat :)))
‘til next time.
                            

Why is it that My Private Part is PRIVATE?


bakit nga ba Private as in super private ng part na yun?
bakit mas ginugusto na lang natin magtago kapag yun ang topic??

ganito kasi yan eh..

una sa lahat NAHIHIYA tayo.


pangalawa nakakailang sya sa lahat ng bagay.

kasi sino sa atin bata man yan o kahit matanda lahat nananahimik pagdating sa mga ganyang usapan.

oo tatawanan mo lang pero deep inside AWKWARD!!
tama!! AWKWARD na parang si SQUIDWARD..

           
na iniisip mo na mali or hindi ata tama yung napasukan mong mundo kapag sya na ang pinag uusapan. :)

pero para sakin mali na ikahiya mo sya.

kasi iyo yan eh. sayo lang yan walang aagaw nyan.

isa pang dahilan yan ay ginawa ng Panginoon para satin.

ginawa nya yan hindi dahil gusto nyang may pagtawanan ka kundi ginawa nya yan with a purpose..

kaya walang dapat ikahiya it’s a BLESSING!! BE PROUD!!!

hindi ko naman sinasabing wag mo syang i-private ang akin lang ACCEPT it.

sa sarili mo, sa puso mo, at kahit sa isip mo.

try mo gawin yan at gagaan ang kalooban mo..
its a matter of acceptance lang.

yun lang po^^



thank you!

SOUND OF SILENCE





Para sakin ang ” SOUND OF SILENCE” ay parang isang asong nakagapos o nakakadena.
Makikita sa larawan ang aso na kung saan sinisimbolo nito ang isang tao o tayo bilang isang mamamayan.
Ang Kadena naman ay sumisimbolo sa Gobyerno.
Nasabi kong isa tayong aso kasi katulad ng nasa larawan halatang wala itong magawa at hindi niya maiparating sa ibang tao ang kanyang nararamdaman sapagkat walang gustong makinig sa kanya. Kung kaya’t mas pinipili niyang manahimik na lamang at mag walang kibo sa isang tabi. Kung saan ipinagwawalang bahala na lamang niya ang lahat ng mga nangyayari. Marami syang gusto gawin kung saan magiging masaya sya pero hindi nya magawa kasi nakagapos sya.


Sumisimbolo naman ang kadena sa gobyerno sapagkat pilit nila tayong iginagapos o itinatali sa kanilang mga kasinungalingan. Hindi nila tayo binibigyan o nabibigyan ng pagkakataon na maipahayag ang ating nararamdaman tungkol sa mga nangyayari sa paligid natin.
Kagaya ng kanta ni Simon at Garfunkel na Sound of Silence.Gusto niyang iparating satin kung paano nalalason ng kamangmangan ang ating isipan. Ang “SILENCE” o katahimikan ay tumutukoy sa pananahimik ng isang tao kasi may takot sya at wala syang lakas ng loob. Tinutukoy din nya dito na kung paano ang mga tao ay sumusunod sa mga nakakataas kung saan hindi nila inaalam ang totoong intensyon nito. Sa linya naman na “People hearing without listening” dito tinutukoy niya na kung paano ang tao ay pumapayag na unawain ang utos ng isang pinuno na hindi naman natin alam kung anong consequences ang kakaharapin natin. Gusto din nya tayong balaan sa linyang “’Fools’ said I, “You do not know/ Silence like a cancer grows/ Hear my words that I might teach you,/ Take my arms that I might reach you.”” But his warning is swallowed in the abyss of submission: “But my words like silent raindrops fell,/And echoed/In the wells of silence.” Maaaring tumutukoy ito sa isang tao o bansa na kung saan magsumite sa kanilang mga sarili ng malaya.Ikinumpara rin nya ang katahimikan sa cancer kasi kinikimkim mo lahat ng sama ng loob at pilit na pinipigilan ang iyong sarili na ilabas ang totoo mong nararamdaman. Patuloy din tayong nagbubulag-bulagan sa mga nangyayari. Marami ang may gusto ng pagbabago pero wala namang gustong bumago. At sa linyang “And the people bowed and prayed/To the neon god they made.” masasabing ang pagsuko ng isang tao sa mga nangyayari sa kanyang lugar at makikitang maraming mga paraan kung paano po ito mababago. 


Welcome to my blog! Hi !! :)
I am Mary Ann Arciga , my friends call me “mheann” 
I am 19 years old, currently studying at Polytechnic University of the Philippines taking up the course BSBA Human Resource.
                     
I am a very shy person but I love to chit chat with my very close friends :)
I love to eat, eat, eat, eat, and eat, :) 
Uhh… Ok I’m a little bit insane xD
My mood always depend on the environment.
I also love to eat sweeeet foods, I mean candies or chocolates:)
I always spend time listening to good music. It relaxes me most.  
Or if I have some extra time I draw things gallivanting in my mind. 

Often times I read books!! But I always have a hard time reading 

because I have to imagine it first before I read the next lines. xD

I also love to watch movies especially the Action, Mythological and Sci-fi ones. 

And I am also a quiet creature. xD because I feel the need to imagine some intense thoughts.

uhh„ I love animals!! not the amphibians nor the reptiles nor the insects!! >.< especially spiders (i’m gonna kill them all xP)

My Family of course is the second source of my strength next to God :) I really love them :)) I am studying well because of them.

I also have my personal insane friends, and they’re one of a kind!

They are the once whom I trust the most. They accept me for what I am and who I am. :)


And a crazy classmates who never fails to make me happy :)














And last but not the least I love cats!! :3



ahahhaha!!!! So much for the intro :))
thanks for viewing my blog!
Have A nice day!