Biyernes, Oktubre 5, 2012

UnFree Installation Art 2012






Ito ang napili kong nabest na installation art kasi madali kong nakuha yung concept nya na  LAHAT  as in LAHAT TAYO  ay mamamatay at mamamatay. Walang kahit sino man satin ang makakaligtas sa kamatayan kasi lahat tayo dadaan at dadaan sa stage na yan. yung isisilang ka, mabubuhay, magkakaisip, magkakaroon ng damdamin, makakakilala ng mga taong ituturing mong mahalaga sayo, matututo sa lahat ng bagay, magtatrabaho, tatanda, magkakasakit at mamamatay. 
Masyado tayong natatakot sa kamatayan, yung ideya na mapupunta tayo either sa langit o impyerno. Hindi naman sa hindi ako naniniwala sa kanila ang akin lang wag mong hayaang i-restrict ka ng konsepto na toh at mawalan ng kalayaan na gawin yung gusto mo. Mali yung sinasabi nila na “bakit ka pa magpapakahirap sa isang bagay eh mamamatay lang din naman tayo.” 
Dapat nga mas pag-igihan at paghusayan mo pa lahat ng bagay kasi bahagi yan ng buhay natin. Magpasalamat tayo sa May Likha at ipinaramdam nya satin na lahat tayo ay may kalayaang maranasan lahat ng bagay at maibahagi sa iba ang lahat ng ito. ;’))

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento