Kagaya
nga ng sabi ng aming Professor, hindi kami hahainan ng adobo, ang ihahain sa
amin ay ang mga sangkap, na sa saamin na yun kung paano namin pasasarapin at
lalagyan ng lasa ang sarili naming lutong ulam.
Noong
una naguluhan ako, akala ko si Bimbo ang kabit sa kanilang tatlo.
Kagaya
ng natural nating buhay ang babae naghahanap ng ibang lalaki kasi hindi sila
masaya dito. Pero iba ang kwentong ito, sa Elipsis babae ang syang kabit, 2nd
or option. Natuwa ako sa concept nya na sa kabila ng panahon natin ngayon may
mga lalaki pa ding mas mahal ang parehong kasarian ng tao.
Ang
tao kahit alam nyang mali na, itutuloy pa din nya. Bakit? Kasi dun sya masaya.
May mga bagay na sa paningin natin ay mali ngunit para sa kanila ay tama. Para
sa kanila okay lang.
Tinuturuan
tayo ng maikling play na toh na “KAHIT
SINO PWEDENG MAGMAHAL O MAHALIN, TAMA MAN O MALI” walang
pinipili yan. Lalaki, Babae, Bakla o Tomboy tao lang silang lahat. May isip,
may puso at may damdamin. Natural lang ang umibig.
Ang
Pag-Ibig para sakin ay sobrang tuso, minsan aakalain mong tama pero yun pala
mali. Minsan akala mo totoo pero yun pala ay kunwari lang. Ang Pag-Ibig para
sakin ang pinakamalakas na bagay sa buong mundo. Hindi man Literal na malakas
pero malalaman at mararamdaman mo ito. Bakit? Kasi kaya ka nyang pasayahin,
palungkutin, galitin, paiyakin, takutin, bulagin lahat na ng gusto mong
maramdaman nandyan na. Whole Package na, May Bonus pa.
Huwag
dapat tayo matakot na magmahal, Kagaya nila Suzy, Rafael at Bimbo, kahit anong
sakit, hirap, lungkot at saya dapat handa kang lumaban at labanan lahat ng ito.
At kahit anong komplikado ng isang bagay basta alam mo kung ano ang
ipinaglalaban ang sa alam mong tama, Go ka lang. At kung akala mong wala ng
natitira para sayo, maghintay ka lang siguradong nandyan ang Panginoon para
sayo. Matuto din tayong tanggapin lahat ng mga consequences na mararanasan
natin sa ating desisyon. Huwag ka mag-alala LAHAT TAYO AY MAGIGING MASAYA.
Mahalin
ang Panginoon.
Mahalin
ang pamilya.
Mahalin
ang kapwa.
Mahalin
ang sarili.
At
Mahalin ang buhay. ;)))
Spread
the L-O-V-E !
!
♥ :”>












Walang komento:
Mag-post ng isang Komento