Ang
totoo nung una hindi ko magets kung ano ba talaga ang concept ng movie kasi
masyado akong naguguluhan sa kanila. Pero naging interesado ako ng makita ko si
Tobey Maguire.

pati
si Paul Walker.
HAHAHAHAHA!!!
JOKE LANG.
Ang
totoo talaga naging interesado ako ng magsimula silang pumasok sa t.v, naging
palaisipan kasi sakin kung papano sila makakapag adopt sa paligid nila ng hindi
napapansin na ibang tao sila.
Ang
pleasant ville ay isang black and white tv show na kung saan ang lahat ay
perpketo. Kung saan ang sex ay hindi uso. ;p Masayang buhay, Libro na walang
salita, bathroom na walang inidoro, mag-asawa na kung saan natutulog sa
magkahiwalay na kama, high school basketball team na laging nananalo at higit
sa lahat walang kahit isa sa kanila ang gustong magtanong kung ano ba ang
“Masaya at Magandang Buhay”.
Pero
nagbago ang lahat ng ito ng mapadpad sina David at Jennifer sa PleasantVille.
Ipinakilala ni Jennifer (Mary Sue) ang sex kay Skip. At dahil inosente nga ang
mga tao sa bagay na yun, ikinuwento nya lahat ng nangyari sa kanilang dalwa.
Simula nun lahat ng tao ay nagbago maging ang kanilang paligid. Nagkaroon ng
emosyon ang mga tao at nagkaroon ang kulay ang kanilang paligid. Subalit hindi
lahat ng tao sa kanila ay tinuturing itong magandang pagbabago. Sa pangunguna
ni MMayor Big Bob nagpasa sya ng batas na “colored ban” na kung saan lahat ng
bagay na may kulay maging tao man ay ihihiwalay sa mga taong nananatiling
balack and white. Bilang protesta ni David (Bud) at Mr. Johnson na may ari ng
isang soda fountain kung saan nagtatrabaho si Bud, nag paint sila ng isang
makulay na mural sa isang pader na nagrerepresent ng mga bagay na may kaugnayan
sa mundo nila. Hindi ito nagustuhan ng ilang tao at maging si Mayor kaya
ipinadampot sila at nilitis sa harap ng madaming tao. Habang nililitis sila at
ipinagtanggol ni Bud at Mr. Johnson ang kanilang sarili hindi namamalayan ni
Mayor Big Bob na maging sya mismo ay nagbabago na, nagkakaroon ng emosyon at
nagkakakulay na syang nagpalaya sa kanila. Sa huli nagpaiwan si Jennifer para
tapusin ang pag-aaral nya at si David naman gamit ang Remote controll ay
bumalik sa tunay nyang buhay at oras.
Bilang
reaksyon sa pelikula, natuwa ako sa sinabi ni Bud na “There is no PERFECT
LIFE’. Tama, walang kahit anong bagay ang perpekto sa mundong ito, Ako, Sila,
Siya, Tayo. Kahit anong tama ang gawin mo may part pa din na masasabi mong
hindi pa rin pala perpekto ang lahat.
Kaya
dapat lahat tayo ay marunong magpakumbaba. Matuto tayong humingi ng tawad. Kasi
simple lang, TAO LANG TAYO AT NAGKAKAMALI RIN.. Huwag tayo daat matakot
sa mga pagkakamali natin kasi dyan tayo natututo at matututo.
Isa
pa, PAGBABAGO. Kagaya ng mga tauhan sa pelikula walang kahit isa sa kanila ang
guston magkaroon ng pagbabago sa buhay nila kaya mas pinipili nilang manahimik
na lang at ika nga ng iba “JUST GO WITH THE FLOW’ na lang. Pero hindi ba
maganda kung lahat tayo magbabago? Mali yung ikulong mo ang sarili mo sa
nakasanayan mong mundo. Dapat matuto kang i-accept lahat ng challenges na
nararanasan mo kung sakali mang magkamali ka mababago mo ito. Huwag mong
hayaang malimitahan ka ng ibang tao.
“CHANGE
is NATURE, the FACT that YOU CAN INFLUENCE. And it STARTS when WE DECIDE”.
At
ang huli ay ang KALAYAAN. Nakita ko din ito sa movie, dahil nga msyado silang
nalilimitahan wala silang kalayaan na ipahayag ang tunay nilang nararamdaman
tulad sa panahon natin ngayon hindi natin maipahayag sa iba kung kung ano nga
ba ang tunay natin saloobin kasi natatakot tayo sa sasabihin ng ibang tao.
Wala
din tayong kalayaan na gawin kung ano man ang gusto nating gawin.
“FREEDOM
BEGINS with an ACT of DEFIANCE”.
Matuto
tayong maging totoo sa ating sarili at maging sa ibang tao ito ang totoong
makakapagpalaya, makakapagpabago at makakapagpasaya at masasabi mong tama na
ang lahat. ;)))
Smile.
;)








Walang komento:
Mag-post ng isang Komento